SmileY
Ang daming mga pinto sa loob.
Bawat pinto, may iba't ibang design. Iba't ibang kulay. Iba't ibang dating.
Natuwa ako sa dami. Parang gusto kong buksan lahat, sabi ko sa sarili ko.
So sinubukan ko nang umpisahan isa isa para matapos ko lahat ng pinto bago matapos yung araw.
Kaya lang, habang isa isa kong binubuksan, nalaman ko na ang bawat pinto ay may iba't ibang laman pala sa loob.
At may mga pintong nakalock. Di na pwedeng pumasok.
Siguro may mga nauna nang nakapasok sa akin at yun na ang pinili nilang pasukan.
Nilock na nila para di na mapasukan pa ng iba.
Although yung ibang pinto, kahit nakalock, yung susi, nakasabit lang sa doorknob.
Siguro nasa sayo na kung bubuksan mo pa o hindi na.
Para sa akin, pag ganun, pinipili ko nalang iwanan. Wag na buksan,
Kahit gaano pa kaganda yung pinto sa labas, dinadaanan ko nalang bilang respeto dun sa una nang nakapili at nakapasok dun.
Kasi kahit ako naman nasa posisyon nung nasa loob na, di ko din gusto na may pumasok pang iba at aagawan pa ako.
So iyon nga. Andami dami talagang pinto.
May mga nabuksan akong ang ganda ng design sa labas biglang sa loob, ang panget pala!!! As in!
O kaya, ambantot!
Meron din masikip masyado o kaya super inet! NakakasakaL!
Meron din super boring sa loob. Puro gray lang yung walls.
Meron din naman, di masyado maganda yung labas pero ang linis at ang presko sa loob.
Meron din okay na yung labas, okay pa yung loob.
Syempre, palalagpasin ko ba yun?! Tinitigan ko naman pag ganun.
Wala lang akong pinapasok at nilolock na pinto kasi naisip ko, yoko pa.
Masyado pa maaga para magstay na sa isang pinto kagad eh andami dami ko pang ibang pwedeng tignan.
Chaka dami pa din akong gustong gawin sana sa labas nang mansion bago pumasok sa isang pinto.
Basta, di pa tamang time para pumasok.
Meron akong nakita na isang pinto na may smiley na deco sa labas, binuksan ko.
Ang bait nga nung nasa loob eh. Iniimbita talaga akong pumasok.
Tinitigan ko muna yung kwarto. Kinilatis.
Okay din. Ang komportable. Ang saya. Ang sarap pumasok.
Pero nung tatapak na ako sa loob, bigla akong napatingin sa banda dulo.
At may nakita akong sobrang gandang pinto!!
Nakuha talaga yung attention ko. Parang kumikintab pa sya sa kalayuan.
Dahil dun, sinara ko muna yung pinto na papasukin ko sana.
Sisilipin ko lang sana muna yung isa bago ako pumasok sa kung saan.
O baka kasi dun na din ako pumasok sa pintong maganda na un.
Alam ko nasaktan ko yung nasa loob nung pintong may smiley.
Kasi akala niya papasok na ako sa kwarto niya eh.
Pero alam kong naintindihan naman niya na ayaw ko pa ding pumasok.
MEdyo nahirapan akong iwan yung pinto na may smiley, pero ginawa ko parin dahil alam ko mas tama kung aalis ako.
So papalapit ako ng papalapit sa magandang pinto sa dulo.
Habang lumalapit ako, naeexcite ako.
Binuksan ko yung pinto, parang ang ganda din nung loob ah!
Naicp ko, ito na ata talaga papasukin ko.
Buti nalang, hindi ako padaos daos sa pagpasok dahil habang tumatagal, may itim na usok palang namumuo sa loob. Nakakasuffocate. Nakakalason.
Natakot ako sa nakita ko kaya bigla kong sinara yung pinto at tumakbo palabas ng mansion.
Hay! Sabi ko, talaga ngang di pa panahon para pumasok ako sa mansion na yan!
Chaka na lang. Tutal dami ko pa din dapat gawin sa labas.
Chaka na pag handa na talaga ako.
So namuhay naman ako ng masaya at maligalig sa labas ng mansion na yun ng may katagalan din.
Nagawa ko din yung mga dapat kong gawin. Natapos yung mga dapat tapusin.
Pero the whole time na nasa labas ako ng mansion at ginagawa ang mga dapat kong gawin, paminsan minsan eh naiisip ko parin ung mga pinto sa loob. Lalo na yung pinto na kumikintab at ang ganda ganda pero may itim na usok sa loob. Natakot din kasi ako nun eh. Hehe.
Pero naisip ko din ng madalas yung pintong may smiley. Naiisip ko paminsan, tama nga kaya na iniwan ko yun. Na di muna ako pumasok?
Naiisip ko kung minsan, What if pinasok ko nga yun noh? Ano na kaya nangyari? Pero in the end, I know na tama ang ginawa ko. Madaming rason. Basta, no regrets ako sa hindi pagpasok.
Sabi ko, someday I will return there. Magbubukas ulit ng mga pinto.
So one day, bumalik nga ako sa mansion na yun.
With a better perspective. With a wiser mind.
Pagpasok ko, hindi na ako basta basta nagbubukas.
Pinagiisipan ko muna bago magbukas.
Palakad lakad ako sa hallway at natutuwa sa iba’t ibang design. Wala pa akong binubuksan ni isa.
Hanggang matapat ako sa isang pamilyar na pinto.
Wait lang! ito yung pinto na may smiley ah! Ito nga!
It had the same aura kasi eh. Kumportable. Inviting. Ang sayA!
Hahawakan ko na sana yung doorknob para sumilip sa loob pero bigla akong natigilan.
Kasi may nakita akong medyo nagbago.
May susi na siya! Nakasabit sa doorknob.
Huh?! Totoo ba toh?!
May tao na sa loob? May nauna na sakin?
E di naman kataka taka na managyari yun kasi nga maganda yung pinto.
Loob at labas.
Napaisip tuloy ulit ako, tama nga ba yung ginawa ko dati na iniwan ang pintong ito?
Tama talaga yung desisyon ko dati eh, naisip ko.
Ganito lang siguro talaga ang buhay dito sa loob ng mansion.
May mga gusto kang pinto na di para sayo o kaya naman dapat hintayin mong lumabas yung nasa loob. Yun ay kung lalabas pa nga ba yung nasa loob. Kasi kung hindi na, maglakad ka nalang ulit at maghanap ng ibang pintong hindi pa nakalock.
Eh hindi naman kasi ako yung tipong pumapasok sa mga nakalock ng pinto. Sisilip siguro, oo. Pero hindi papasok.
Paalis na sana ako pero masyado kong panghihinayang kung di ko man lang sisilipin tong pinto na toh na naiicp icp ko dati nung nasa labas pa ako ng mansion.
So yun, ginamit ko yung susi at dahan dahang sumilip at nakinig sa loob.
Ganda parin nung nasa loob. Masaya parin at maaliwalas.
Pero as expected...may tao na sa loob. Nung una, nakita ko na okay na okay siya sa loob. Di na siguro lalabas toh dito, naisip ko. Talagang maghahanap nalang ako ng iba.
Pero after a few minutes, narinig ko, may umiiyak sa loob. Parang nagkaproblema ata ah.
Later on, nalaman ko, may problema nga. Lalabas na kaya siya dahil dun?
Mukhang hindi eh. Kahit yung nasa loob ayaw ata siyang lumabas. Masyado na silang naging okay eh. Chaka if ever man lumabas yung nasa loob, kailangan pa magpalipas ng panahon para ayusin yung mga medyo naubos o nasira sa loob ng kwarto. Siyempre, may nag-occupy sa loob eh, malamang kailangan ayusin muna bago ma-occupy ulit. Parang hotel baga. Kahit naman ako, yoko ng magulong kwarto noh.
Dahil dun, pinili ko nang isara na ng tuluyan yung pinto. Ayaw ko din naman kasing makidagdag sa gulo. Mali yun at Maling panahon ito. Pero kahit sinara ko na yung pinto. Di parin ako makalakad papalayo. Pinagiisipan ko pa kung lalakad na ba ako paalis o uupo muna ako dito sa labas.
Hay! Di ko alam! Naguluhan ako!
Alam ko, ang dapat kong gawin ay maglakad lakad na ulit at tumingin ng ibang pinto.
Lalo na yung di pa nakalock.
Pero parang ayaw ko muna. Papahinga lang muna ako at uupo.
Dito sa tapat ng pintong may smiley.
Hindi naman sa umaasa pa akong lalabas yung nasa loob. Pero para lang matitigan yung pinto from the outside. Para kahit naglakad na ako paalis, yung memory niya, malinaw parin sa utak ko.
So yun, nakaupo ako ngayon dito sa labas ng pintong may smiley.
Napapangiti dahil sa smiley na deco niya. Pero nalulungkot din paminsan dahil sa lock na nakasabit sa doorknob niya.